And this is what happened…

Para akong nagpa-full bangs. Hahahaha!
Natapos ko nang basahin to. Ok lang, mas maganda yung SDTG tsaka feeling ko mas maganda yung sequel (3 words, 8 letters. If I say it, will I be yours?) kaso di pa kasi tapos. Nabibitin tuloy ako. Napansin ko lang na may similarities to tsaka yung SDTG. Parehong di magkasundo nung simula, tapos sila din magkakagustuhan. Parehong nako-Korean. Parehong may namatay. Basta. Haha! Yung isa ko din binabasa ngayon ganun din. Parang ang daming stories sa Wattpad na magkakahawig. Wala naman na akong ibang alam na magandang kwento. Suggestions naman? Yung iba ang storyline. Hehe :>
I missed this. Haha! Buti nagamit ko na ang laptop KO. Ewan ko kung bakit ako nakikipag-agawan sa paggamit nito kahit akin naman talaga to. Masyado lang siguro akong mabait. Haha! :D
Actually, wala talaga sa plano kong basahin ‘to kasi di naman ako ganun kahilig magbasa talaga. Na-curious lang talaga ako kasi tagal ng sina-suggest ‘to sakin nung ibang friends ko, pati pinsan ko tapos ang daming ko din nababasang magagandang feedbacks so, I decided na basahin nalang para malaman.
Mga tanghali ko sinimulan yung story kasi wala na ko magawa nun. At first, nakakatamad. Siguro kasi nga hindi naman ako bookworm kaya tinamad ako. Di ako masyado ginanahan sa prologue kaya sabi ko, ‘siguro hindi ko tatapusin ‘tong kwentong ‘to’. Tapos nag-proceed na ko. Nung naumpisahan ko, ok naman pero habang tumatagal di ko namamalayan na ang dami ko na palang pages na nabasa. Parang habang tumatagal, hindi ko mabitawan yung kwento. Ayoko tumigil kasi mabibitin ako. Gusto ko na agad malaman yung sunod na mangyayari. Tuwang tuwa ako nung binabasa ko yung simula hanggang medyo gitna yata yun. Para akong highschool kung kiligin, with matching tawa pa! Haha! Nung official na sila na, ganun parin kiligsz parin. Nung medyo malapit na matapos, ayun. Dun na yung nakakaiyak na part. Lalo na yung ending. Jusko, basang-basa yung unan ko kasi di ko mapigilan na hindi umiyak lalo na dito sa part ni Kenji:
“I love you. Yung pagmamahal ko sayo kasing lalim ng pinakamalalim na dagat sa buong mundo. I love you. Yung pagmamahal ko sayo kasing laki ng pinag sama samang planeta. I love you. Yung pagmamahal ko sayo mas matagal pa sa forever. I love you. Yung pagmamahal ko sayo hinde na mapapalitan ng kahit sino. I love you. Kahit ilang beses pa kitang kelangan pakasalan gagawin ko. Kahit na sa lahat ng simbahan sa buong mundo, gagawin ko. I love you. Kahit na ipagtabuyan mo ko, kahit na mag sawa ka sakin, kahit na iwanan mo ko, ikaw at ikaw parin ang mamahalin ko. Hahanapin kita kahit san ka magpunta. At pag nahanap kita, hinde na kita ulit papakawalan pa. I love you. Kahit gaano kasakit, kahit gaano kahirap hinde kita iiwan. I love you. Yung pagmamahal ko sayo, hinde na mawawala. I love you, Athena. I love you, I love you, I love you.. UhnJaeNa, YongWonHee.”
Potek! Iyak ako ng iyak nyan hanggang matapos! First time ko umiyak dahil sa pagbabasa lang ng story. Mas naiiyak kasi ako pag napapanuod ko e. Hehe. Pero hindi nga, ang ganda nung buong story. Pero I think, parang katulad lang din naman to nung ibang mga palabas sa tv but there’s something sa story na mahu-hook ka talaga. May ibang impact sa tao, ewan ko kung sakin lang pero parang ganun talaga e. Gulo ba? Haha! Almost 2 days ko rin yung binasa, tumitigil lang ako pag kakain at maliligo, o kaya pag may kailangan talaga gawin. Hehe. Natapos ko sya kahapon. Mga 1:30am siguro. 2 thumbs up para sa author, I liked it. Ayy, I LOVE pala dapat! Haha.
Ngayon meron ulit akong binabasa. 3 Words, 8 Letters. Say It, and I’m Yours. Sinimulang ko kaninang umaga kaya lang tumigil ako kasi natatamad ako magbasa. Haha! Mamaya nalang ulit…
beben-eleben:
Ito ay sinasabi para lamang sa mga bagay na hindi naman sinasadya. Hindi para sa mga bagay na paulit ulit ginagawa.